OPM, bago sa Kulturang Pinoy

Ang ating kakaibang kultura ay isa sa mga bagay na makakapagsabi
na tayo’y mga PIlipino. Ang ating makulay at masiglang kultura ay nagsasalamin kung sino tayo’y mga Pilipino. Mula sa mga magagarang sining at panitikan hanggang sa mga masasarap na Adobo at Crispy Pata, kakaiba talaga ang kultura ng Pilipinas.

Isa sa ating kultura ay ang ating musika at ito ay kakaiba dahil sa mga iba’t ibang instrumento na ginagamit natin. Ang musika natin ay karaniwang kinakanta sa mga karaoke o sinasayaw sa mga fiesta. Marami pang kagamitan ang mga musikang Pilipino pero unting-unti na itong nawawala sa ating kultura. Dahil sa mga bagong musika na uso ngayon, nakakalimutan na natin ang ating musikang Pilipino.

Sa kasalukuyang panahon, iba’t ibang kategorya ng musika ang maririnig natin sa ating lipunan. Koreano man o Ingles, bihira na tayo makarining ng mga musikang Pilipino o OPM. Ang teknolohiya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit unti-unting nawawala ang OPM sa ating bansa dahil mas mabilis na nating pakinggan ang mga iba’t ibang musika na galing sa iba’t ibang parte ng mundo. Dahil dito, kailangan nating protektahan ang OPM at ikalat ang kaalaman natin dito. Kaya dito sa blog na ito, magsasabi ako ng mga iba’t ibang paraan kung papaano panatilihin ang ating OPM na musika.

Nasa kamay ng mga PIlipino ang buhay ng OPM. Tayo’ng mga Pilipino ay may responsibilidad para sa ating musika. Maraming tao ang nagsasabi na maganda ang OPM pero ang binibili nilang musika ay ang mga taga-US o taga-Europa. Kailangan nating gawin kung anong sabihin natin. Isang dahilan kung bakit sikat ang K-Pop sa Korea at sa buong mundo ay dahil sinusuportahan ng mga Koreano ang K-Pop. Dito natin makikita na ang ating kultura ay nasa kamay ng mga mamamayan. Niyayakap nating ang OPM dahil bahagi ito ng ating kultura.

Sa dami-daming kulturang naghalo-halo sa ating bansa. Importanteng mahalin at angkinin ang ating kultura dahil sa pagkatapos ng araw, mga Pilipino pa rin tayo! Nasa kamay natin ang kulturang ibabahagi natin sa susunod na henerasyon at importanteng malaman nila ang tunay na kulturang Pilipino kaya dapat ngayon palang, simulan na nating ikalat ang tunay na kahalagahan ng OPM at ng kulturang Pilipino.

Sa pamamagitan ng OPM, nakikilala ang kakayahan nating mga Pilipino sa larangan ng musika dahilan para umunlad ang ating sa bansa sa larangan ng musika, sining at ating kultura.

Leave a comment